Mga Uri ng Manlalakbay

Okay promise hindi na ito about sa love... :) This time, this post is going to be about my other passion: traveling. Picture courtesy...

Okay promise hindi na ito about sa love... :)

This time, this post is going to be about my other passion: traveling.


Picture courtesy of: http://www.scenicreflections.com
May mga taong masaya na kung nasaan sila, kumbaga, mga taong hindi naniniwala sa mga katagang "The grass is greener on the other side." Yung gigising, babangon, kakain, mag aaral, magtra trabaho at matutulog. Sige, isama mo na ang "hanging out with friends", bar, mall, disco, internet at kung anu ano pa.

Sa kabilang banda, there are those who have restless souls. Yung tipong hindi  mapakali sa iisang lugar. Hindi pu pwedeng lilipas ang isang taon na hindi makakagala. Yung mga taong gusto ng road trip sa malayong malayong lugar, yung tipong di sila maaabot ng kahit na sino. In shorter terms, sa ibang mundo. Kung posible nga lang siguro at kung may space ticket papunta ng ibang planeta, siguradong may kumagat na.

May iba't ibang uri ng manlalakbay sa aking pananaw. Nandyan yung mayayaman na manlalakbay. Sila yung mga taong maraming pera kung kaya naman anuman ang gusto nila ay nasusunod. Nandyan yung sasakay sila ng chartered flight makarating lamang sa paroroonan ng mas mabilis at mas komfortable. Sila rin ang mga tipo na five stars hotel all the way, may taga dala ng gamit, driver, private tour guide at sila rin yung minsang nagsasama pa ng personal assistant.

Ang pangalawang uri ng manlalakbay ay mga backpackers. Sila yung mga tipong tipid mode sa lahat ng bagay, magmula sa transportation hanggang sa hostel. Marami sa kanila tanging sarili at isang malaking bag lang ang dala. May ilang nagre research bago puntahan ang isang lugar, ang iba naman gora na lang kahit walang hotel booking. Eto ang gusto kong i-try talaga lalo na sa panahon ngayong mahirap ang pera.

May isa namang klase ng manlalakbay na tama lang. Kumbaga tamang turista lang. Mahilig silang mag travel pero in a very touristy way. May pambayad sila pero saktong komportable lang.

Anyway kahit anong klaseng traveler ka pa, hanga ako sayo dahil panigurado malawak ang pagiisip mo. Pero ang tanong ko naman ay "Pag hindi ka ba naglalakbay, ibig sabihin hindi malawak ang pagiisip mo?"

Haha, napaisip ako doon ah! Teka give me five minutes...

Okay ganito, sabi nila: life is a journey daw. Totoo naman yan and I strongly agree. Kasi kahit naman hindi ka pumunta sa malayong lugar o kahit hindi ka isang manlalakbay, magkakaroon ka ng mga karanasan sa buhay at doon ka matututo. Ang mga karanansan mo sa buhay, maliit man o malaki, paniguradong meron at meron kang mapupulot, minsan nga lang, choice mo na lang kung ang karanasang ito ay magpapalawak ng iyong kaisipan o magpapaliit ng iyong pagkatao.

So yun, in conclusion: actually lahat pala tayo ay mga manlalakbay sa mundong ibabaw. Nasa sa atin na lang kung sa paanong paraan natin ito gagawin. Hindi kailangang pumunta ng malayo para may matutunan. Minsan may ilang bagay na matututunan mo kung lalakbayin mo ang iyong sarili.

You Might Also Like

0 comments

Instagram