Bagong Bahay
10:17:00"Kahit siguro ilang beses pa akong mabuhay, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko."
Kanina ay nagkausap kami ng asawa kong si Mac and I asked him whether he would still chose me if ever sa Pilipinas pa rin kami nakatira. Magbabago ba ang sitwasyon naming dalawa? Kami pa rin kaya? I just can't stop thinking on what could have been. Ako pa rin kaya ang pipiliin niya?
Hindi niya ako masagot sa tanong ko kung ako pa rin ba ang pipiliin niya. Ang tanging nasabi niya lang ay: "Ikaw 'tong may ayaw sa akin. Ang dami mong reklamo, kesyo ang tamad ko, ang dugyot ko... hay mabuti pa, huwag na lang natin balikan iyon. Nakaraan na iyon eh. Importante ang ngayon."
"Ang sakit naman ng sinabi mo. Ako, of course ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Ikakasal pa rin tayo kahit nasa Pilipinas tayo at wala tayo sa Hong Kong."
"Hindi ako naniniwala, lagi ka namang galit sa akin at madalas sinasabi mo na nagsisisi ka dahil ako ang napangasawa mo."
"Nasasabi ko lang iyon dahil galit ako sayo."
More than five years na rin kaming magkasama ni Mac and I must admit na hindi madali ang mga bagay bagay sa aming dalawa pero I'm proud to say na nagpe paid off naman yung mga pinaghirapan naming dalawa. Makakagawa na nga ata ako ng nobela kung iku- kuwento ko kung paano nagsimula ang lahat hanggang sa kasalukuyang panahon. Ilang blog na ba ang ginawa ko na ang laman ay puro siya? Kahit pa mula pa noong magkaibigan pa kami. Papano ay hilig ko na talaga ang magsulat, siguro dati sa notebook pero nang mauso ang laptop at pagblo blog sa buhay ko, ayun di na ako muling makapagsulat sa notebook. Bukod sa mas convenient eh iwas kalyo ka rin sa kamay, mas mabilis pa.
Mula noon, magpa hanggang ngayon ay siya ang laman ng blog ko... nakakaloka. Dati, oo binabasa niya ang mga blog post pero ngayon, lulong na siya sa paglalaro ng kung anu ano sa pc namin. Minsan nga kailangan ko pa siyang pilitin na tumabi sa akin. Magkaganoon pa man, naniniwala naman ako na mahal niya pa rin ako. Alam ko yun dahil ramdam ko. Ramdam kong mahal niya ako pag sa tuwing tumutulong siya ng gawaing bahay, pag tumatawag siya para kamustahin ako o di naman kaya pag pinapasalubungan niya ako ng kahit ano. Marami pang simple gestures siyang pinapakita at masaya ako dahil doon. Dati ang akala ko ang love puro romance, pero mali pala ako. Ang love pala ay nagco consist din ng mga sumusunod: "understanding, communication, cooperation, listening, patience, hard work, responsibility, compromise". Alam kong marami pa, pero name mental blocked pa ako sa ngayon, dagdagan ko na lang pag naalala ko na.
Iiwan ko na lamang kayo ng brief description tungkol sa sarili ko. Ako nga pala si Cindy Cortez Wong Dela Cruz. Oo, first name ko lang maikli tapos the rest, puro apelyido na. Isa akong tour consultant sa araw dahil, oo mahilig ako mag travel pero hindi ako yung tipong backpacker or luxury traveler. Ako yung tipong pu pwede lang mag stay sa 3 - 4 star hotel or pwede ring malinis na motel. Hindi pa ako nakakasubok mag stay sa isang hostel pero nakapag part time job ako doon at na realize ko na hindi ako yung ganoong tipo. In short, maarte ako. Maaga akong nagasawa pero kung ang sunod mong tanong eh kung may anak na ako, wala, wala pa akong anak. Ako yung introvert type, yung tipong ang daming naisusulat pero pag kausap mo na sa personal, 10 words lang maximum. Haha, I'm kidding. Actually kapag ang dami ko ng sinasabi sayo, magpasalamat ka, dahil ibig sabihin open na open na ako sayo.
Eto pala ang ilan sa mga blog na naisulat ko dati. Pls. lang wag mo kong agad agad husgahan pag nabasa mo ang iba... :)
http://cindyrella-stories.blogspot.hk/
http://cindy-storybooks.blogspot.hk/
http://cindywongdelacruz.tumblr.com/
Anyway, I guess that's brief enough, di ba? Ala una na at maaga pa pasok ko bukas so I better sleep for now. Isa pa palang ikinatutuwa ko sa sarili ko ay muli na naman akong nakapag sulat. Kay tagal na panahon din mula noong nakapag sulat ako sa isang blog. Yung tipong serious at yung may feelings... Ngayon, mukhang naka connect na naman ang mga daliri ko sa puso at utak ko. Sana bukas ganito ulit. Ang maganda rin kasi sa pagsusulat ay para siyang therapy sa akin dahil nasasabi ko kung ano talaga ang gusto kong sabihin.
O siya siya, good night everyone. Kung sino ka mang nagbabasa ng blog ko, maraming maraming salamat! Sweat dreams!
0 comments